|
||||||||
|
||
Ayon pa rin sa panig opisyal, lubos na kulang sa tubig-inumin at pagkain sa mga nilindol na lugar. Lipos ng tao sa mga ospital. Sira ang mga daan at walang suplay ng koryente at telekomunikasyon sa mga lugar na grabeng apektado ng lindol.
Samantala, patuloy ang komunidad ng daigdig sa pagbibigay-tulong sa Nepal.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Tsina, isang search and rescue team at ilang grupong medikal ng Tsina ang nagtatrabaho sa mga nilindol na lugar ng Nepal. Inihatid na rin kaninang umaga ng Tsina ang unang pangkat ng tulong na materyal sa naturang bansa.
Ayon naman sa UN, lumilipad sa Nepal ang ilampung search and rescue team mula sa iba't ibang bansa ng daigdig. Maraming tulong na materyal na kinabibilangan ng mga kagamitang medikal ang ibinubuhos sa bansang ito, at ipinahayag din ng ilang bansang Europeo na magkakaloob ng tulong na pondo sa Nepal.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |