Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Amerika, binanggit kahapon sa Boston ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang isyu ng "comfort women."
Ani Abe, ipinahayag niya ang pagkalungkot sa mga biktima ng human trafficking. Pero, hindi niya ginamit ang salitang "paghingi ng paumanhin."
Kaugnay nito, ipinahayag naman kahapon ng Yonhap News Agency ng Timog Korea, na nananatiling di-malinaw ang pahayag ni Abe sa isyu ng "comfort women," at hindi siya humingi ng paumanhin. Samantala, ang paggamit ni Abe ng "human trafficking" bilang pantukoy sa isyu ng "comfort women" ay isa ring tangka ng Hapon na iwasan ang responsibilidad sa isyung ito.
Salin: Liu Kai