Sa artikulong ipinalabas kamakailan, inilahad ni Zhang Yunling, eksperto sa isyu ng ASEAN mula sa Chinese Academy of Social Sciences, ang kanyang palagay hinggil sa ASEAN Community.
Sinabi ni Zhang na ang ASEAN Community ay binubuo ng Economic Community, Political-Security Community, at Socio-Cultural Community, at nagkakaroon ng sariling aspekto at papel ang tatlong komunidad na ito. Aniya, ang espesyal na pagsasaayos na ito ay inobasyon sa rehiyonal na sistemang pangkooperasyon, at pagpapakita rin ng pagiging inklusibo ng ASEAN.
Dagdag pa ni Zhang, sa pamamagitan ng pagtatatag ng komunidad, magkakaroon ang ASEAN ng sariling karta at magkakaisang identidad. Ito aniya ay makakabuti sa pagkakaroon ng mas matatag na kaayusan sa Timog-silangang Asya, at pag-unlad ng ASEAN sa isang mas epektibong organisasyon.
Salin: Liu Kai