Idinaos kahapon sa Nanning, Tsina, ang symposium hinggil sa kalagayan ng pamumuhunan sa Silangang Asya, na nilahukan ng mga kinatawan mula sa sirkulo ng industriya at komersyo ng 13 bansang kinabibilangan ng mga bansang ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pagkakataon sa pamumuhunan na dulot ng Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" Initiative. Ipinalalagay nilang ito ay magreresulta sa malaking pagdaragdag ng mga bahay-kalakal na Tsino sa mga bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai