|
||||||||
|
||
Sa talumpating ito, ipinahayag niya ang "malalimang pagsisisi" kaugnay ng ginawang kapinsalaan ng Hapon sa ibang mga bansang Asyano noong World War II. Pero, hindi niya ginamit ang salitang "paghingi ng paumanhin," at hindi ring binanggit ang isyu ng "comfort women."
Kaugnay ng pahayag na ito ni Abe, sinabi nang araw ring iyon ni Mike Honda, Kongresistang Amerikano, na ito ay nagtatangkang iwasan ang responsibilidad ng pamahalaang Hapones sa mga isyu ng WWII, lalung-lalo na sa isyu ng "comfort women." Ito aniya ay kasindak-sindak at kahiya-hiya.
Samantala, sa panahon ng pagbibigkas ng talumpati ni Abe, nagprotesta sa labas ng Capitol ang mga grupo ng etnikong Koreano at Tsino sa Amerika at mga organisasyong laban sa digmaan. Hiniling nila kay Abe na humingi ng paumanhin kaugnay ng mga isyung pangkasaysayan, at kilalanin ang karahasang ginawa ng Hapon noong WWII.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |