|
||||||||
|
||
Ika-2 pangkat ng mga tulong na materyal sa Nepal
Ayon sa ulat ngayong araw ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Nepal, hanggang sa kasalukuyan, lumampas sa 5 libong ang bilang ng mga nasawi sa napakalakas na lindol na naganap noong ika-25 ng buwang ito sa naturang bansa. Lumampas naman sa 10 libo ang bilang ng mga nasugatan.
Kabilang dito, pinakamalaki ang death toll sa Sindhupalchok District sa hilagang Nepal, na umabot sa 1376. Naitala naman ang 1039 na nasawi sa Kathmandu, kabisera ng bansang ito.
Samantala, patuloy ang komunidad ng daigdig sa pagbibigay-tulong sa Nepal. Nanawagan kahapon ang United Nations sa mga kasaping bansa nito na magkaloob ng halos 415 milyong Dolyares na tulong sa Nepal.
Ipinahayag naman ngayong araw ng pamahalaan ng Tsina na handa na ang ika-2 pangkat ng mga tulong na materyal sa Nepal na nagkakahalaga ng 40 milyong yuan RMB o halos 6.5 milyong Dolyares. Ihahatid ang mga ito sa mga nilindol na lugar sa malapit na hinaharap.
Inihatid naman ngayong araw ng Indonesya ang mga tulong na materyal, at ipinadala rin ang isang grupong panaklolo sa Nepal.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |