Nagpulong kahapon sa Beijing ang Pulitburo ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina, kung saan pinag-aralan ang kasalukuyang kalagayan at mga gawain ng kabuhayang Tsino.
Ayon sa pulong, noong unang kuwarter ng taong ito, naisakatuparan ang nakatakdang target ng paglaki ng kabuhayang Tsino, at maganda sa kabuuan ang kalagayan ng kabuhayan, pero umiiral pa rin ang mga elementong posibleng magdulot ng pagbaba ng kabuhayan.
Ayon pa rin sa pulong, pagdating sa kasalukuyang mga gawaing pangkabuhayan, dapat igiit ang pagpapataas ng kalidad at episensiya ng pag-unlad ng kabuhayan, isagawa ang mga matatag na macro-economic policy at pleksibleng micro-economic policy, at aktibong harapin ang mga presyur sa kabuhayan, para panatilihin ang tuluy-tuloy at malusog na pag-unlad ng kabuhayan, at matatag na kalagayan ng lipunan.
Salin: Liu Kai