|
||||||||
|
||
Dumating kahapon sa Kathmandu, Nepal, si Valerie Amos, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN na namamahala sa mga suliraning makatao. Bibisita siya sa ilang lugar na apektado ng napakalakas na lindol na naganap noong ika-25 ng nagdaang buwan, at tatasahin ang kalagayan ng kalamidad sa Nepal.
Samantala, nagbibigay-tulong ngayon sa Nepal ang mga organo ng UN na kinabibilangan ng World Food Programme, World Health Organizaiton, United Nations International Children's Emergency Fund, UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, at iba pa. Ipinagkakaloob nila ang mga pagkain, tolda, kagamitang medikal, at serbisyong medikal sa mga nilindol na lugar.
Ayon naman sa estadistikang ipinalabas kahapon ng pamahalaan ng Nepal, umabot na sa halos 5600 ang bilang ng mga nasawi sa naturang lindol, at mahigit 11 libo naman ang nasugatan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |