Ayon sa ulat ng panig opisyal ng Nepal, hanggang ngayong araw, umabot na sa 6,659 ang bilang ng mga nasawi sa napakalakas na lindol na naganap noong ika-25 ng nagdaang buwan. Bukod dito, mahigit sa 14 na libo naman ang nasugatan.
Sa kasalukuyan, malaki ang problema sa paninirahan ng mga apektadong mamamayan sa mga nilindol na lugar ng Nepal. Kinakailangan ang halos 600 libong tolda para masilungan ang mga apektadong mamamayan, pero 50 libo pa lamang ang naipamimigay.
Grabe rin ang kakulangan sa pagkain at tubig-inumin sa mga nilindol na lugar. Sira pa rin ang maraming kalsada, kaya napakahirap ang paghahatid ng mga saligang pangangailangang ito.
Salin: Liu Kai