|
||||||||
|
||
Isang rescue team ng Tsina sa Nepal
Pinapurihan kahapon ni Pangulong Ram Baran Yadav ng Nepal ang mga grupong panaklolo at medikal ng Tsina sa kanyang bansa.
Sinabi ni Yadav na ang mga grupong Tsino ay pinakamaagang dumating sa mga nilindol na lugar ng Nepal, at namumukod din ang kanilang gawain.
Pinasalamatan din ni Yadav ang mga iba pang tulong ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa Nepal. Umaasa aniya siyang patuloy na magbibigay-tulong ang Tsina sa kanyang bansa sa pag-iwas ng mga sakit sa mga nilindol na lugar, at sa pagsasagawa ng rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |