Ayon sa ulat kahapon ng tanggapan ng United Nations sa Geneva, sisimulang idaos doon bukas ang bagong round ng pagsasanggunian hinggil sa isyu ng Syria. Tatagal ito ng lima hanggang anim na linggo.
Ayon pa rin sa ulat, lalahok sa pagsasangguniang ito ang mga kinatawan mula sa pamahalaan, mga paksyong oposisyon, at mga grupong sibil ng Syria, pati rin ang mga kinatawan mula sa mga may kinalamang bansa at organisasyong pandaigdig.
Tatalakayin nila ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Syria, at kung papaano ipapatupad ang Geneva Communique na ipinalabas noong 2012 ng UN Security Council. Dito nakalakip ang mga pulitikal na solusyon sa isyu ng Syria.
Salin: Liu Kai