Sapul nang dumating sa Nepal ang China International Rescue Team noong ika-30 ng Abril, mahigit 600 na ang kanilang ginamot.
Ayon kay Wang Jun, isang pediatric doctor ng China International Rescue Team, karamihan kanilang mga ginamot ay mga babae at bata. Pumunta ang mga grupong panaklolo at medikal ng Tsina sa kanayunan at gumawa rin ng disaster prevention para pigilin ang pagkalat ng epidemiya pagkaraan ng lindol.
Pinapurihan naman ni Valerie Amos, United Nations Assistant Secretary-General for Humanitarian Affairs at Deputy Emergency Relief Coordinator ang pagbibigay ng mabuting serbisyong panaklolo at medikal ng mga Tsino sa Nepal.
salin:wle