Ayon sa ulat ng panig opisyal ng Nepal, hanggang kagabi, umabot na sa 7,365 ang bilang ng mga nasawi sa napakalakas na lindol sa bansang ito. Mahigit 14,300 naman ang nasugatan.
Nang araw ring iyon, narekober ng rescue team ang mahigit 100 bangkay sa isang nayon sa hilagang Nepal na nakabaon ng snowslide. Karamihan sa kanila ay mga mamumundok na kinabibilangan ng di-kukulangin sa 7 dayuhan. Sinabi rin ng rescue team na tinatayang nakabaon pa ang halos 100 bangkay sa naturang lugar.
Salin: Liu Kai