|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang alaala sa mga taong nagbuwis-buhay sa panahon ng pagsasagawa ng mga misyon sa ilalim ng UN Charter.
Inulit naman ni Pangulong Sam Kutesa ng Ika-69 na UN General Assembly ang mga prinsipyo ng UN hinggil sa hindi paglapastangan sa ibang bansa, mapayapang paglutas ng hidwaan, pangangalaga sa karapatang pantao, at iba pa.
Si Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN
Sinabi naman ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang tagumpay ng World Anti-Facist War ay natamo sa pamamagitan ng malaking halaga ng mga mamamayan ng daigdig na kinabibilangan ng mga mamamayang Tsino. Nag-iwan aniya ang digmaang ito ng mga mahalagang aral na karapat-dapat na alalahanin ng lahat.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |