Nagpadala ngayong araw ng mensahe sa isa't isa ang mga lider ng Tsina na sina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang, at mga lider ng Unyong Europeo (EU) na sina Pangulong Donald Tusk ng European Council at Pangulong Jean-Claude Juncker ng European Commission, bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at EU.
Sa mensahe, nagbigay ang mga lider ng dalawang panig ng positibong pagtasa sa pag-unlad ng relasyon at kooperasyong Sino-Europeo. Umaasa silang magiging mas mahigpit na katuwang ang dalawang panig.
Salin: Liu Kai