|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon dito sa Beijing ang Ika-5 Diyalogo ng Tsina at Unyong Europeo (EU), ito ay pinanguluhan nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Federica Mogherini, Pangalawang Tagapangulo ng Lupon ng Unyong Europeo.
Ipinahayag ni Yang na nitong 40 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at EU, komprehensibo ang pag-unlad ng relasyon, at ang kooperasyon nila ay nasa mahigit 100 larangan, marami ang mga bunga. Dapat patuloy na pahigpitin ang pagpapalitan at kooperasyon, palalimin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, pabilisin ang talastasan hinggil sa pamumuhunan, palakasin ang kultural na pagpapalitan at pasulungin ang kooperasyon sa pagharap ng pagbago ng klima at konektibidad, at gawin ang lubos na paghahanda para sa ika-17 pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at EU.
Ipinahayag ni Federica Mogherini na ang EU at Tsina ay tunay na estratehikong partner, malawak ang kooperasyon ng dalawang panig at mahusay ang mekanismong pangkooperasyon. Nakahanda ang EU na ibayo pang palawakin at palalimin ang kooperasyon nila ng Tsina, at nang sa gayo'y, gaganap sila ng mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig at panrehiyon.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |