Lumisan ng Beijing ngayong hapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para magsagawa ng anim na araw na biyahe sa Kazakhstan, Rusya at Belarus.
Pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa Kazakhstan, dadalaw rin siya sa Rusya mula Mayo 8-10, 2015.
Sa kanyang biyahe sa Rusya, lalahok din ang pangulong Tsino sa Seremonya bilang Paggunita sa Ika-70 Anibersaryo ng Tagumpay ng Dakilang Digmaang Makabayan ng Rusya.
Sa paanyaya naman ni Pangulong Alexander Lukashenko, isasagawa ni Xi ang dalaw pang-estado sa Belarus mula Mayo 10-12, 2015.
Salin: Jade