Idinaos kamakailan sa Shenyang, lunsod sa hilagang Tsina, ang China International Finance Executive Summit. Ang mga kalahok sa summit ay kinabibilangan ng mga namamahalang tauhan ng mga pandaigdig na kompanyang pinansyal na gaya ng Macquarie Group Limited ng Australya, Raiffeisen Bank International ng Austria, Euro Sino Invest ng Alemanya, at iba pa.
Ang Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" Initiative ay naging pangunahing paksa sa naturang summit. Ipinalalagay ng mga dayuhang kalahok, na ang initiative na ito ay isang paraan para makinabang ang daigdig sa pag-unlad ng Tsina. Nanawagan din sila sa mga bansang kanluranin na maging mas bukas sa initiative na ito.
Salin: Liu Kai