BEIJING, Tsina--Sinabi kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananatiling matatag ang kalagayan ng South China Sea (SCS) at mainam ang relasyon ng Tsina at mga kasaping bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ipinagdiinan niyang nagsisikap ang Tsina at mga bansang ASEAN na magkasamang pangalagaan ang kapayapaan sa SCS.
Winika ito ni Hua sa regular na preskon nang sagutin ang tanong na may kinalaman sa testimonya ng isang heneral ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas.
Sa kanyang testimonya sa Kongreso, isiniwalat ng nasabing opisyal militar ng Pilipinas, na nagsisikap ang Tsina para maitakda ang air Defense Identification Zone (ADIZ) sa SCS at isang eroplanong panagupa ng Pilipinas ay binalaan ng Tsina dahil sa paglipad sa itaas ng islang kontrolado nito.
Idinagdag pa ni Hua na bilang isang soberanong bansa, may karapatan ang Tsina na itakda ang ADIZ, pero, ang pagtatakda ng ADIZ ay depende sa kung may banta sa kaligtasang panghimpapawid at gaano kalaki ang bantang ito.
Sinabi pa ni Hua na mukhang may ibang motibo sa likod ng sadyang hype ng di-umano'y ADIZ sa SCS.
Salin: Jade