|
||||||||
|
||
Opisyal na hinirang si Jackie Chan, kilalang movie star ng Tsina, ng Central Narcotics Bureau (CNB) ng Singapore bilang kauna-unahang Celebrity Anti-Drug Ambassador.
Ipinatalastas ni Masagos Zulkifli, Ministro ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Singapore, ang naturang pahayag.
Aniya, sa pamamagitan ni Chan, umaasa siyang maitatakwil ng mga kabataang Singaporean ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Sinabi pa niyang may responsibilidad ang bawat tao sa pagpapalaganap ng mga kaalaman hinggil sa paglaban sa droga.
Ayon naman kay Jackie Chan, sa kasalukuyan, gusto ng mga bata na subukin ang mga bagong bagay, pero minsan, hindi nila naiintindihan ang malubhang banta ng droga sa kanilang sarili, mga kaibigan at pamilya.
Bukod dito, ikinahihiya, ikinalulungkot at ikinagagalit niya ang insidente ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot ng kanyang anak na si Jaycee Fong. Dagdag pa niya, ang insidenteng ito ay nagpatibay ng kanyang determinasyon sa pagsuporta sa kampanya laban sa drug.
Nauna rito, noong Hunyo 2009, si Chan ay ihinirang ng China National Narcotics Control Commission bilang Anti-Drug Ambassador.
Si Jackie Chan ay hinirang bilang kauna-unahang Celebrity Anti-Drug Ambassador ng Singapore.
Idinaos kahapon sa Nanyang Polytechnic ng Singapore ang seremonya para hinirang si Jackie Chan bilang Anti-Drug Ambassador ng Singapore.
Pinanood ni Jackie Chan ang pagsasanay ng paglaban sa droga na idinaos sa Nanyang Polytechnic.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |