|
||||||||
|
||
Opisyal na naisaoperasyon kahapon ng Laos at Myanmar ang kauna-unahang tulay sa Mekong River o tinatawag na tulay na pangkaibigan ng dalawang bansa.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Pangulong Choummaly Sayasone ng Laos, Pangulong Thein Sein ng Myanmar, at ibang mga opisyal ng dalawang bansa.
Ang naturang tulay ay nasa pagitan ng Tachileik ng lalawigang Shan ng Myanmar at lalawigang Laungnamtha ng Laos. Ito ay may habang 691.6 metro at may kabuuang halaga na 26 na milyong Dolyares.
Mapapadali ng naturang tulay ang kalakalan at transportasyon sa pagitan ng naturang dalawang bansa at ibang mga bansa sa rehiyong ito na gaya ng Tsina, Thailand, Biyetnam, Bangladesh at India.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |