|
||||||||
|
||
Nagtagpo kahapon sa Moscow, Rusya, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at Punong Ministro Alexander Medvedev ng bansang ito.
Kaugnay ng katatapos na malaking military parade bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Great Patriotic War ng Rusya, sinabi ni Xi na ito ay nagpapakita ng pananalig ng Rusya at ibang mga kalahok na bansa sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig.
Sinabi pa ni Xi na idaraos sa taong ito ng Tsina ang military parade bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War. Ang naturang dalawang aktibidad, aniya, ay para lagumin ang kasaysayan at pangalagaan ang kapayapaan.
Pinasalamatan ni Medvedev ang pagdalo ni Xi sa naturang aktibidad. Sinabi niya na dapat tandaan ng dalawang panig ang mga malaking ambag ng Nasyong Tsino at Ruso noong panahon ng World War II.
Kaugnay ng relasyong Tsino-Ruso, sinabi ni Xi na umaasa siyang patuloy na susulong ang mga aktuwal na kooperasyon ng dalawang panig. Sinabi pa niyang dapat pasulungin ng dalawang bansa ang mga aktuwal na kooperasyon sa highspeed railway, abiyasyon, at pinansiya.
Sinabi naman ni Medvedev na dapat buong sikap na isakatuparan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa ang mga narating na komong palagay. Nakahanda aniyang palakasin ng kanyang bansa, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa pamumuhunan, pinansiya, at enerhiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |