|
||||||||
|
||
Nagtagpo kamakalawa sa Moscow, Rusya, sina Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, at Andrey Slepnev, Komisyoner ng Eurasian Economic Union (EEU), para talakayin ang pagbabalangkas ng kasunduan ng kooperatibong partnership ng Tsina at EEU sa kabuhayan at kalakalan.
Sinabi ni Gao na ang naturang kasunduan ay angkop sa magkasamang kapakanan ng mga kasaping bansa ng EEU at magpapasulong ng kooperasyon ng Tsina at EEU.
Sinabi naman ni Slepnev na ang nabanggit na kasunduan ay magpapasigla sa pakikisangkot EEU sa kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Dagdag pa niya, buong sikap na lulutasin ng EEU ang isyu ng pagpapadali ng kalakalan, at pasusulungin ang mga kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang panig.
Ipinasiya rin nila na itatatag ang working group para simulan ang talastasan hinggil sa kasunduang ito, sa lalong madaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |