Kaugnay ng plano ng naghaharing koalisyon ng Hapon ng paghaharap sa National Diet ng rebisadong batas na lakip ang nilalaman hinggil sa pag-aalis ng pagbabawal sa collective self-defense, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinihiling ng kanyang bansa sa Hapon na lubos na igalang ang pagkabahala ng mga bansang Asyano sa isyu ng seguridad. Dagdag niya, dapat mag-ingat ang Hapon sa isyu ng collective self-defense, at ang mga aksyon nito ay hindi dapat makapinsala sa soberanya at interes sa seguridad ng Tsina.
Kaugnay naman ng pagdaraos ng Hapon at Pilipinas ng magkasanib na pagsasanay militar sa South China Sea, sinabi ni Hua na sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang kalagayan sa karagatang ito, at hindi dapat lumikha ng tensyon ang mga may kinalamang bansa.
Salin: Liu Kai