|
||||||||
|
||
Kamakailan, sunud-sunod na ipinalabas ng mga dalubhasa, media at organisasyong pandaigdig mula sa iba't ibang bansa ang komentaryo hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao ng Amerika. Binatikos nila na lumalala ang kalagayan ng karapatang pantao ng Amerika, at nanawagan sa Amerika na simulan ang paglulutas sa karapatang pantao sa sariling bansa.
Noong ika-12 ng buwang ito, sa opisyal na website ng Ministring Panlabas ng Rusya, ipinalabas ang isang kinauukulang dokumento na nagsasabing lumalala ang kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika. Kinondena rin sa dokumento ang Amerika na sa katwiran ng pagbibigay-dagok sa terorismo, isinagawa ng Amerika ang aksyon ng paglapastangan sa karapatang pantao sa loob ng sariling bansa at sa ibang bansa. Ipinahayag sa dokumento ang kalungkutan sa kooperasyon ng Amerika at pandaigdigang mekanismo sa pagkontrol sa karapatang pantao.
At noong ika-11 ng buwang ito, sa Geneva ng Swizerland, isinagawa ng Konseho sa Karapatang Pantao ng UN ang Universal Periodic Review (UPR) sa kalagayan ng karapatang pantao ng Amerika. Lumahok sa UPR ang mga kinatawan mula sa 120 bansa at iniharap nila ang maraming pagkondena at mungkahi hinggil sa karapatang pantao ng Amerika.
Ang Universal Periodic Review (UPR) ay isang mekanismo ng UN na naglalayong regular na suriin ang kalagayan ng pagpapatupad ng pangako ng iba't ibang bansa hinggil sa karapatang pantao. Sinimulan ang UPR noong 2008. Dapat tanggapin ang pagsusuri ng UPR ng bawat bansa bawat 4 at kalahating taon. Noong Nobyembre ng 2010, sa kauna-unahang pagkakataon, tinanggap ng Amerika ang pagsusuri ng UPR, at iniharap ng iba't ibang bansa ang 240 mungkahi hinggil sa karapatang pantao ng Amerika, ipinangako ng Amerika na isakatuparan ang 171 mungkahi nito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |