|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na tinututulan ng Tsina na ilagay ang"Sites of Japan's Meiji Industrial Revolution" na isinumite ng Hapon sa UNESCO World Heritage List.
Binigyan-diin ni Hua na katulad ng Timog Korea, ikinababahala ng Tsina ang isyung ito. Tinukoy niyang ang paghaharap sa UNESCO World Heritage ay dapat umangkop sa diwa ng UNESCO at World Heritage Convention na nagpapasulong ng kapayapaan ng daigdig. Sa 23 sites ng Industrial Revolution na iniharap ng Hapon, ginawa ang sapilitang pagtatrabaho at pang-aabso sa mga bihag na mula sa mula sa Tsina, Korean Pennisula, at ibang bansang Asyano noong World War II. Ang puwersahang pagtatrabaho ay aksyong kriminal ng militarismo ng Hapon.
Ayon pa sa ulat, idaraos sa katapusan ng susunod ng buwan ang ika-39 World Heritage Committee. Sa committee na ito, ipapasiyang kung ilalagay o hindi sa UNSECO World Heritage List ang mga lugar ng Meiji Industrial Revolution ng Hapon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |