|
||||||||
|
||
Lima (5) katao ang nasugatan sa pagbagsak kagabi ng dalawang bomba mula sa Myanmar sa Zhenkang County ng Lincang City, Lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina.
Ayon sa ulat ngayong araw ng pamahalaan ng Lincang City, ang naturang 5 nasugatan ay kinabibilangan ng isang Tsino at 4 na taga-Myanmar. Sa kasalukuyan, sila ay binibigyang-lunas sa lokal na ospital, at ligtas na sa panganib.
Samantala, nagharap na ng representasyon ang Tsina sa panig Myanmar kaugnay ng insidenteng ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |