|
||||||||
|
||
Sa pagbisita kahapon sa Rehabilitation Research Centre ni Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Pamahalaang Tsino, para kumustahin ang mga batang may sakit na autism, sinabi niya na dapat lubos na pansinin at pahalagahan ng mga departamento ng pamahalaan at lipunan ang naturang mga bata para paggalingin sila.
Bukod dito, kinausap din ni Wang ang mga magulang ng naturang mga bata para alamin ang kondisyon ng kanilang pamumuhay. Hiniling din niya sa mga may kinalamang departamento na lutasin ang mga aktuwal na kahirapan ng ganitong uri ng mga pamilya.
Ngayong araw ay ang ika-25 Help the Handicapped Day ng Tsina. Ang paksa ng naturang araw ay "Pag-aalaga sa mga batang may sakit na autism para makalikha ng mas magandang kinabukasan para sa kanila."
Binigyang-diin ni Wang na dapat komprehensibong isakatuparan ang plano ng pamahalaang Tsino hinggil sa pagpapasulong ng usapin sa serbisyo para sa mga may kapansanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |