Nakatakdang dinggin ang kasong pagpapabaya at pang-aabuso sa kapangyarihan ni dating Puno Ministrong Yingluck Shinawatra ng Thailand sa government subsidy program, sa ika-19 ng kasalukuyang buwan.
Ayon sa ulat, kung magpapatunay sa akusasyon laban kay Shinawatra, haharapin niya ang 10 taong pagkabilanggo.
Ipinahayag noong Enero ng Supreme Procuratorate ng Thailand na may katibayang napatunayan ang pang-aabuso ni Yingluck Shinawatra sa nasabing programang bigas ng pamahalaan.
Sa panig naman ni Shinawatra, itinanggi niya ang naturang akusasyon. Ipinalalagay niyang lipos ng layuning pulitikal ang akusasyong ito.