Ayon sa Japanese media, hanggang kahapon, mahigit 450 kilalang iskolar na Amerikano, Europeo, at Hapones ang lumagda sa sulat na humihimok sa pamahalaan ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na tumpak na pakitunguhan ang mga isyung pangkasaysayan na gaya ng isyu ng "comfort women."
Ang naturang sulat ay unang ipinalabas noong ika-5 ng buwang ito ng 187 istoryador mula sa iba't ibang bansa ng daigdig. Kaugnay ng nilalaman ng sulat, sinabi ng isa sa kanila na si Propesor Alexis Dudden, Pulitzer Prize winning historian ng University of Connecticut ng Amerika, na ito ay kumakatawan sa komong palagay ng pandaigdig na sirkulo ng istoryador na humihiling sa Hapon na tumpak na pakitunguhan ang mga isyung pangkasaysayan at sagutin ang pananagutan para sa mga ito.
Salin: Liu Kai