Ayon sa ulat kamakailan ng Adwana ng Shanghai, Tsina, noong unang 4 na buwan ng taong ito, dinaig ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Hapon sa kalakalan sa Shanghai, at ito ay naging ikatlong pinakamalaking trade partner ng Shanghai.
Ayon sa estadistika ng naturang adwana, noong unang 4 na buwan ng taong ito, umabot sa halos 30.6 bilyong Dolyares ang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Shanghai at ASEAN, at ito ay sumusunod lamang sa Unyong Europeo at Amerika. Samantala, halos 28.2 bilyong Dolyares ang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Shanghai at Hapon.
Ayon pa rin sa eksperto ng Adwana ng Shanghai, habang umuunlad pa ang relasyong Sino-ASEAN, may pag-asang patuloy na lalaki ang kalakalan ng Shanghai at ASEAN.
Salin: Liu Kai