Naglalayag ngayon sa Malaysia ang Jinggangshan warship ng hukbong pandagat ng Tsina, para lumahok sa Disaster Relief Exercises 2015 ng ASEAN Regional Forum (ARF DIREX 2015).
Sa magkasamang pagtataguyod ng Malaysia at Tsina, idaraos ang naturang pagsasanay mula ika-24 hanggang ika-29 ng buwang ito. Ang pagsasanay ay naglalayong pasulungin ang kooperasyon ng mga kasaping bansa ng ARF sa disaster relief at emergency response, at palakasin ang kanilang koordinasyon sa multinasyonal na operasyon ng paghahanap at pagliligtas sa dagat.
Salin: Liu Kai