|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||

Para sa mga bakasyunistang nais maglakbay sa Boracay, lalong lalo na mula sa Tsina, heto ang magandang balita. Mula ika-26 ng susunod ng Hunyo, bubuksan ng Air Philippines ang chartered flights mula Wuhan, lunsod sa timog silangan ng Tsina, tungo sa Boracay, Pilipinas. Ang A320 flight ay tatagal ng 3 at kalahating oras. Mula Wuhan hanggang Boracay, lilipad ito mula 23:30 hanggang 3:00 a.m., at mula naman Boracay hanggang Wuhan, lilipad ito mula 19:00 hanggang 22:30. 20 kilo ang free luggage.
Mula Hunyo hanggang Oktubre, 22 ang bilang ng flights. Bukod dito, ang 5 araw na paglalakbay sa Boracay, kasama ng ticket ay nagkakahalaga ng 3680 Yuan RMB bawat tao.
Salin: Andrea

| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |