|
||||||||
|
||
Sa debatehan ng Dieta ng Hapon na idinaos kahapon, tumangging kilalanin ni Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon ang "digmaang mapanalakay na inilunsad ng Hapon" na tiniyak ng Potsdam Proclamation.
Sa debatehan nang araw rin iyon, sinabi ni Kazuo Shii, Chairman of the Japanese Communist Party, na sa ika-6 at ika-8 seksiyon ng Potsdam Proclamation, tiniyak na ang digmaan na inilunsad ng Hapon ay digmaang mapanalakay. Hiniling ni Kazuo Shii kay Shinzo Abe na magpalabas ng maliwanag na pakikitungo hinggil sa isyu kung "tama o mali" ang digmaan na inilunsad ng Hapon.
Pero sinabi ni Shinzo Abe na hindi niya nakita ang kinauukulang nilalaman ng Potsdam Proclamation kaya hindi siya maaaring mag-komentaryo dito.
Ipinahayag rin ni Shinzo Abe na noong nakaraang panahon, ang pagtatanggap sa Potsdam Proclamation ay isang paraan ng Hapon na natapos ang digmaan.
Noong Ika-26 ng Hulyo ng 1945, sa Potsdam sa Alemanya, magkakasamang ipinalabas ng Tsina, Amerika at Britaniya ang Potsdam Proclamation na humimok sa pagsuko ng Hapon. Hinimok rin sa Proclamation na ipatupad ng Hapon ang Cairo Declaration na ipinalabas ng Tsina, Amerika at Britaniya noong Disyembre ng 1943.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |