Ipinatalastas kahapon ng Ministring Panlabas ng Australia na daragdagan ng Australia ang makataong tulong sa Myanmar na kinabibilangan ng pagkakaloob ng mahalagang tulong sa mga kapitbahayan ng Rakhine State para mapabuti ang situwasyong panseguridad sa rehiyong ito.
Ayon sa Ministring Panlabas ng Australia, ang nasabing pagbibigay-tulong ay nababatay sa pundasyon ng pagkatig nito sa kabuhayan, pulitika, at proseso ng reporma sa lipunan sa mahabang panahon. Magsisikap anito ang Australia para malutas ang hamong panseguridad na kasalukuyang kinakaharap ng Myanmar.
Salin: Li Feng