Sa okasyon ng African Liberation Day kahapon, sinabi ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN), na sa Hulyo ng taong ito, idaraos ng UN ang isang pandaigdig na pulong, para talakayin ang lubos na pagpigil sa epidemiya ng Ebola, at hanapin ang pagkatig para sa rekonstruskyon sa kanlurang Aprika.
Sinabi ni Ban na sapul nang sumiklab ang epidemiya ng Ebola sa mga bansa sa kanlurang Aprika noong Pebrero ng nagdaang taon, ikinamatay ito ng di-kukulangin sa 11 libong katao, at nagdulot ng malaking hamon sa pag-unlad ng lipunan, kabuhayan, at pulitika sa lokalidad.
Aniya, para makaabot sa target ng "serong kaso" ng Ebola, at mapalakas ang kakayahan ng buong Aprika laban sa sakit na ito, idaraos ng UN ang nabanggit na pulong, upang pakilusin ang komunidad ng daigdig sa pagbibigay-tulong.
Salin: Liu Kai