Nag-usap kahapon sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Punong Ministro David Cameron ng Britanya hinggil sa isyu ng Ukraine.
Ayon sa mga ulat na ipinalabas ng panig Ruso at Britaniko, bagama't nagkakaroon pa rin ang dalawang lider ng malaking pagkakaiba sa palagay hinggil sa kalagayan ng Ukraine, kapwa nila binigyang-diing dapat buong higpit na ipatupad ang kasunduan sa paglutas sa krisis ng Ukraine, na narating noong ika-12 ng Pebrero ng taong ito sa Minsk, Belarus, ng Rusya, Alemanya, Pransya, at Ukraine.
Kalakip sa naturang kasunduan ang tigil-putukan sa silangang bahagi ng Ukriane. Pero sa kasalukuyan, nagaganap pa rin ang mga maliit na sagupaan sa rehiyong ito, at kapwa binabatikos ng pamahalaan ng Ukraine at mga lokal na sandatahang grupo ang isa't isa sa pagsira sa kasunduan ng tigil-putukan.
Salin: Liu Kai