Mula kamakalawa hanggang kahapon, isinagawa ng Tsina at Singapore sa karagatan sa dakong silangan ng Malay Peninsula, ang 2-araw na magkasanib na pagsasanay militar sa dagat na may code name na "China-Singapore Cooperation - 2015." Lumahok dito ang isang bapor pandigma ng hukbong pandagat ng Tsina, at dalawang bapor pandigma mula sa panig Singaporean.
Ipinahayag ng kapwa panig na ang pagsasanay na ito ay nagpalakas sa kakayahan ng dalawang hukbong pandagat sa magkasanib na operasyon at koordinasyon, at nagpalalim din sa kanilang pag-uunawaan at pagtitiwalaan.
Salin: Liu Kai