|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na mabunga ang pagsasanggunian ng Tsina at mga kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa Code of Conduct of Parties in the South China Sea (COC), batay sa lubusang pagtupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Inulit din ng tagapagsalitang Tsino na dahil ang Amerika ay hindi bansang may direktang kinalaman sa isyung ito, kailangan nitong igalang ang ginagawang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN at makalikha ng magandang kapaligiran para sa konsultasyon ng Tsina at mga kasapi ng ASEAN.
Ipinahayag ni Hua ang nasabing paninindigan sa regular na preskon bilang tugon sa pananalita ng ilang opisyal Amerikano na walang dahilan kung hindi mararating ng Tsina at mga bansang ASEAN ang COC bago ang East Asia Summit na gaganapin sa Nobyembre sa taong ito.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |