|
||||||||
|
||
Kahapon, sa Kedah ng Malaysia, idinaos ang seremonya ng pagbubukas ng Ika-4 na Pagsasanay ng Relief Work ng Panrehiyong Porum ng ASEAN. Magkasamang lumahok sa seremonyang ito sina Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Tan Sri Dato' Haji Muhyidin bin Haji Mohammad Yassin, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia.
Sa kanyang talumpati, mataas na pinahalagahan ni Wang Yong ang pagsisikap ng Panrehiyong Porum ng ASEAN para pasulungin ang kooperasyon ng relief work sa rehiyong ito. Isinalaysay niya ang bunga na natamo ng Tsina sa pagbabawas sa epekto ng likas na kapahamakan at relief work. Ipinahayag ni Wang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang kinauukulang panig, para palakasin ang kooperasyon at pabutihin ang koordinasyon para magkakasamang pasulungin ang mekanismo na angkop sa aktuwal na pangangailagnan ng relief work sa rehiyong ito.
Sa kanyang talumpati, lubos na pinapurihan ng pangalawang Punong Ministro ang positibong papel na pinatitingkad ng Tsina sa pagpapasulong ng koopearasyong pangkaligtasan sa rehiyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |