|
||||||||
|
||
Kinatagpo kahapon sa Jakarta ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, si Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina.
Si Liu ay dumalaw sa Indonesiya para lumahok sa kauna-unahang pulong ng mekanismo ng pagpapalitan ng mga Pangalawang Punong Ministro ng dalawang bansa sa kultura.
Sinabi ni Liu na ang kanyang pagdalaw sa Indonesia ay naglalayong pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa edukasyon, siyensiya, kultura, kalusugan, media at kabataan.
Ipinahayag ni Joko na umaasa siyang pabibilisin ang pagsasakatuparan ng mga nagkakaisang posisyon ng mga lider ng dalawang bansa para makinabang dito ang kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Liu na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Indonesiya, na pasulungin ang kanilang kooperasyon sa mga isyung pandagat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |