Sinabi kahapon ni Wu Shangzhi, Pangalawang Puno ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Tsina, na sapul nang ilatlaha noong ika-28 ng Setyembre, taong 2014 ang aklat na "Xi Jinping: The Governance of China," mahigit 4.5 milyong kopya na ang naibenta, kabilang dito ang 400 libo sa ibayong dagat.
Dagdag pa ni Wu, sa pamamagitan ng naturang aklat, mas malalaman ng mga mambabasa ang mga pangarap at hangarin ng nasyong Tsino, tunguhin ng reporma at pag-unlad ng Tsina, at relasyon ng Tsina at daigdig.
Salin: Liu Kai