Ipinahayag kamakailan ni Pangalawang Punong Ministro Muhyiddin Yassin ng Malaysia, na may pag-asang matapos sa katapusan ng taong ito ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na sumasaklaw sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, Timog Korea, Australya, New Zealand, at Indya. Aniya, sa panahong iyon, ang rehiyong ito ay magiging pinakamalaking economic bloc para sa pandaigdig na kalakalan.
Winika ito ni Yassin sa isang pulong hinggil sa pag-unlad ng mga Small and Medium-sized Enterprises (SMEs) ng ASEAN, na idinaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia. Dagdag pa niya, makikinabang sa RCEP ang naturang mga bahay-kalakal.
Sa kabilang dako, sinabi ni Xu Liping, eksperto ng Chinese Academy of Social Sciences, na bilang nukleo ng RCEP, buong sikap na pinasusulong ngayon ng ASEAN ang talastasan hinggil dito. Ipinalalagay din ni Xu na mahalaga ang RCEP, hindi lamang sa mga kalahok na bansa, kundi rin sa mga bansa sa labas ng rehiyong ito; dahil ito ay gaganap ng malaking papel sa pagsusulong ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai