Ipinalabas kahapon sa Kuala Lumpur ni Christoph Mueller, bagong Chief Executive Officer ng Malaysia Airlines, ang 3-taong plano ng reorganisasyon ng kompanyang ito.
Ayon kay Mueller, sa unang araw ng susunod na buwan, aalisin sa trabaho ang lahat ng 20 libong staff ng Malaysia Airlines. Pagkatapos, aanyayahan ang 14 na libo sa kanila na lumahok sa reorganisadong kompanya, pero ang 6 na libong iba pa ay mawawalan ng trabaho.
Isasaoperasyon, pangunahin na, ng bagong kompanya ang mga medium range routes sa loob ng rehiyong ito, at babawasan ang mga rutang papunta sa mga destinasyon sa Europa at Amerika.
Salin: Liu Kai