Binuksan kahapon sa Nanning, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang 3 araw na Pagtatanghal ng Kultura ng Tsina at ASEAN para ipakita sa publiko ang mga natatanging produktong kultural ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Sa naturang pagtatanghal, ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa publikasyon ay isang pangunahing gawain. Sinabi ni Zhang Zehui, opisyal mula sa State Administration of Press, Publication, Radio, Film, and Televison (SAPPRFT) ng Tsina, na sa taong 2015, pasusulungin ng Tsina ang kooperasyon at pagpapalitan sa mga bansang ASEAN sa pagsasalin at paglilimbag ng mga libro, at pagtatanghal ng mga publikasyon.
Ito aniya ay para pasulungin ang kooperasyong pangkultura ng dalawang panig.