Kaugnay ng sinabi ni Ashton Carter, Kalihim ng Tanggulan ng Amerika na dapat itigil ng Tsina ang reclamation sa South China Sea at may kapangyarihan ang tropang Amerikano sa malayang paglalayag doon, sinabi kahapon ni Cui Tiankai, Embahador Tsino sa Amerika, na labis ang reaksyon ng Amerika sa kasalukuyang kalagayan ng South China Sea at ito'y magpapa-igting ng tensyon sa rehiyong ito.
Sinbi ni Cui na bilang isang malaking bansa sa kalakalan, lubos na pinahahalagahan at iginagalang ng Tsina ang kalayaan at kaligtasan ng paglalayag sa South China Sea.
Kaya dagdag pa niya, mali ang mga sinabi at aksyon ng Amerika na nakatuon sa Tsina sa isyu ng South China Sea.