|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Li Jinzao, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon sa Brunei at Laos sa industriya ng turismo at umaasa siyang mapapadali ang paglalakbay ng mga Tsino roon.
Nakipagtagpo kahapon sa lunsod ng Guilin si Li sa delegasyon ng Brunei at Laos na lumahok sa Pagtatanghal ng Tsina at ASEAN sa turismo. Sinabi ni Li na mahalaga ang kooperasyong panturismo para sa dalawang panig at umaasa siyang itatatag ng dalawang bansa ang mga sign sa wikang Tsino para bigyang ginhawa mga turistang Tsino.
Ipinahayag ni Awang Haji Yahya, Puno ng delegasyon ng Brunei na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang kooperasyon sa Tsina sa turismo, at umaasa aniya siyang tutulungan ng pamahalaang Tsino ang pagpopromote ng Brunei sa mga turistang Tsino.
Ipinahayag naman ni Borsangkham Vongdala, Puno ng delegasyon ng Laos na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa turismo para hikayatin ang mas maraming turistang Tsino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |