Sa panahon ng kanilang paglahok sa Shangri-La Dialogue sa Singapore, nagtagpo kahapon ang mga ministro ng tanggulan ng Hapon at Timog Korea na sina Gen Nakatani at Han Min-goo.
Ito ang kauna-unahang pagtatagpo ng mga ministro ng tanggulan ng Hapon at T.Korea nitong 4 na taong nakalipas. Ayon sa kapwa panig, ito ay naglalayong pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa.
Ayon pa rin sa ulat, tinalakay ng dalawang ministro ang hinggil sa paggamit ng Hapon ng collective self-defense rights sa Korean Peninsula, pagpapalakas ng dalawang bansa ng kooperasyong pandepensa, at iba pang isyu.
Salin: Liu Kai