|
||||||||
|
||
Maraming T.Koreano sa paliparan, naka-maskara para hindi mahawa ng MERS
Ayon sa ulat na ipinalabas ngayong araw ng Ministry of Health and Welfare ng Timog Korea, umabot na sa 15 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS) sa bansang ito.
Nauna rito, isang Koreanong lalaki na pinaghihinalaang nahawahan ng MERS ang umalis ng kuwarentina nang walang-awtorisasyon, at dumating siya noong ika-26 ng buwang ito sa Huizhou, lunsod ng Lalawigang Guangdong sa timog Tsina. Pagkatapos, nakumpirma siyang may-sakit ng MERS. Ipinahayag din ng panig T.Koreano na naganap ang pangyayaring ito dahil sa depekto ng sistemang medikal ng bansa, at humingi ito ng paumanhin hinggil dito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |