Ayon sa ulat ng media ng Malaysia, ipinahayag ni Nazri Abdul Aziz, Ministrong Panturismo at Pangkultura ng Malaysia na kamakailan, iniharap niya sa Gabinete ang mungkahi hinggil sa patakaran ng "visa-free para sa mga mamamayan ng Tsina". Sa malapit na hinaharap, posibleng isasagawa ng Malaysia ang patakarang ito sa Tsina.
Noong nakaraang taon, ang turistang Tsino na bumisita sa Malaysia ay umabot sa 1.4 milyong person time. Sa taong ito, batay sa datos, bumaba ang bilang na ito. Kaya dapat isulong ang panukalang visa-free sa lalo madaling panahon.
Salin:Sarah